
Original Story: http://abante.com.ph/issue/july1210/public_ce.htm
Dear Senator Chiz Escudero,
Natuklasan ko po na kasal na ang lalaking aking pinakasalan. Taong 1995 po kami kinasal samantalang 1975 naman po nang ikinasal siya sa ibang babae. Matagal na po kaming hiwalay. Nais ko pong malaman kung anong dapat gawin at tamang proseso para mapawalang-bisa ang kasal namin na ang alam ko ay wala naman bisa sa kadahilanang may lehitimo siyang asawa. Nais ko na kasing magpakasal sa ka-live-in ko ngayon para maging legal na kaming mag-asawa. Magda-dalawang taon na kasi kaming nagpipisan na wala pang kasal. Nais ko rin pong malaman ang nakalagay sa karugtong na papel ng marriage contract namin na authenticated ng NSO. Stated po ito sa “oath of solemnizing officer.” Ganito po ang nakasaad sa pinirmahan ng nagkasal na mayor: “That this marriage was performed in Articulo Mortis.”
Lubos na gumagalang,
Carmi
-------------
Dear Carmi,
Tama ang iyong hinala. Kabilang ang inyong kasal sa mga void ab initio marriages dahil sa ito ay bigamous. Ang ibig sabihin nito ay walang bisa ang inyong kasal sa simula’t sapul dahil nang kayo ay ikinasal, siya ay legal na kasal na pala sa iba. Ang pagkasal muli habang ang unang kasal ay may bisa pa ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
Ganoon pa man, kahit na walang bisa ang inyong kasal sa simulat’ sapul, ayon sa batas, kinakailangan pa rin itong ideklera ng hukuman na walang bisa upang ikaw ay makapagpakasal muli sa iba, sa iyong kasintahan at live-in partner. Sa madaling salita, kinakailangan mo pa ring maghain ng petition para mapasawalang bisa ang iyong kasal upang ikaw ay makapagpakasal muli ng legal.
Mangyari ay humanap ng abogado na maaaring tumulong sa iyo na gumawa ng petisyon na iyong isasampa sa hukuman upang mapawalang bisa ang iyong void ab initio na kasal.
Senator Chiz Escudero
***
Ilakip ang inyong pangalan at address sa inyong ipadadalang mga katanungan at mga suhestyon. Maaari kayong magpadala ng liham sa tanggapan ng pahayagang ito sa No. 167 Liberty Bldg., Roberto Oca St., Port Area, Manila o e-mail sa chizescudero2007@yahoo. Maaari ring magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng text: CHIZ
Original Story: http://abante.com.ph/issue/july1210/public_ce.htm




0 comments:
Post a Comment